11 ginto hinakot ng RP
NAKHON RATCHA-SIMA -- Labing-isang na nagniningning na gintong medalya ang nadale ng Philippines sa kanilang kampanya sa 24th Southeast Asian Games kasabay ng napakatinding sikat ng araw dito.
Binanderahan ng athletics ang pananalasa nang 3 agad ang kanilang sinungkit bukod pa sa pagwasak sa SEAG record.
Binanderahan ng isang army men na nangarap maging pari ang pag-ani ng athletics makaraang sungkitin ang ginto sa hammer throw sa isang record-breaking performance.
Winasak ng 25 anyos na si Arnel Ferrera ang kanyang sariling record sa inihagis na 60.79m sa ikatlong pagtatangka na bumura sa dati niyang 60.47m sa Manila SEA Games noong 2005.
At pagkatapos tanggapin ni Ferrera ang gold sa awarding ceremony, tumakbo naman si Rene Herrera sa podium upang kunin ang ginto sa 3000m steeplechase sa bilis na 8:54.21 para sa ikalawang gold.
Bago nagtakipsilim, bumangon si Maristella Torres mula sa dalawang foul jumps at mapagwagian ang ginto sa long jump sa tinalon na 6.31m distansiya.
Pumangalawa ang Thai na si Thitima Muangjan, na nangunguna sa event sa kanyang 6.25m jump kung saan 6.22m lang si Torres sa unang attempt.
Naunang nagbigay ng ginto kahapon si Ryan Mendoza sa duathlon event na ginanap sa Pattaya at nakabronze naman ang dalawa pang Pinoy na sina Augusto Benedicto at Analiza Dysangco.
Sumagwan rin ng ginto ang
Hindi rin nagpahuli ang Philippine Fencing team na umiskrima ng dalawang ginto para sa bansa.
Nasiugro ang unang gold sa fencing nang itakda nina Michelle Bruzola at Harlene Orendain ang all Pinoy finals sa women’s epee para sa 1-2 finish.
Ang ikalawang gold ay nagmula naman kay Emerson Sequi sa foil event na tinalo ang kababayang si Rolando Canlas sa semifinals upang palakasin ang kanilang kampanyang mapanatili ang overall championship sa fencing.
“Naka 2 na ngayon, sana sa susunod na mga araw ay madagdagan pa para mapanatili natin ang overall championship,” wika ni coach Benny Garcia, sa kanyang mga bataan bago umalis ng bansa patungo dito ay inanyayahan ng actor at dating fencer na si Richard Gomez sa isang get together.
Ang dalawa pang ginto ay nagmula naman sa Philippine dancesports team nina Joel Madela at Anabelle Alo sa Standard Tango at Emmanuel Reyes at Maira Rosete sa Standard Quickstep para sa kabuuang 11 na gintong medalyang naisubi kahapon bukod pa sa 6 silvers at 14 bronze.
Nagmula naman ang huling dalawang ginto sa men’s doubles team nina Marlon Manalo at Antonio Gabica sa billiards at isa pa kay Miguel Molina sa 200m individual medley.
- Latest
- Trending