NAKHON RATCHA-SIMA -- Pinahirapan man sanhi ng pabago-bagung iskedyul, binalewala lahat ng Philippines women’s basketball team ang lahat nang simulan nila ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 67-55 pananalsa sa Singapore sa women’s basketball event na ginanap sa Keelapirom Stadium.
Kumana ng 19 puntos ang FilAm na si Melissa Jacob at nag-ambag naman si Joan Grajales ng 11 puntos upang dominahin ang Singaporean mula sa simula hanggang sa matapos ang bakbakan.
“ Pag nanalo tayo sa Thailand bukas (ngayon) sigurado na ang gold,” wika ni National head coach Frits Gaston, kung saan apat na teams lamang ang naglalaban sa women’s basketball.
Susunod na makakaharap ng Philippines ang host Thailand na talagang tila sinadya munang mauna ang laban ng Philippines at Singapore upang mapanood ang mga Pinay at mapag-aralan. (DMV)