Nagningning ang gold ni Barba

NAKHON RATCHA-SIMA -- Hindi pa man pormal na idinedeklarang bukas ang 24th Southeast Asian Games, isang makinang na gintong medalya ang nagningning sa araw ng mga Pinoy.

Isinukbit ng 22 anyos na si Barba, tubong Du-maguete ang gintong medalya, makaraan magtala ng pinakamabilis na oras sa downhill cycling event na ginanap sa Khao Yai Thieng-lamta-kong dam ng Nakhon Ratchasima province.

Naorasan ang dating bmx rider at motocross rider na si Barba ng 3:56.920 para sa gold medal finish kasunod si  Popo Sejati Ariyo ng Indonesia (3:59.380) at Thai cyclist Sitichai Ketkaewmanee (4:00.860).

Ang gold ni Barba ang tumabon sa 3 silvers at 1 bronze na tinapos ng Pinoy shooters kamakailan sa Bangkok.

 

Show comments