^

PSN Palaro

Batang Pier, Hapee pasok sa semis

- Mae Balbuena -

Nakasiguro ang Hapee Toothpaste at ang Harbour Centre ng outright semifinal slot matapos ang kanilang magkahiwalay na tagumpay sa PBL V Go Extreme Energy Drink Cup kahapon na dumako sa Rizal Memorial Coliseum.

Iginupo ng Complete Protectors ang Toyota Balintawak, 79-75, tungo sa kanilang pagposte ng malinis na 6-0 record ang kanilang pinakamahabang winning streak sapul nang pumasok sa liga noong 1994.

Ito ay nagkaloob sa kanila ng outright semis slot at hinatak nila ang Harbour Centre na nagtala ng 74-66 panalo laban sa Mail & More sa unang laro.

Nagpakawala ang Harbour Centre ng malaking run sa ikatlong quarter upang iposte ang kanilang ikaanim na panalo sa pitong laro.

Bumandera si Reed Juntilla para sa Hapee sa kanyang  tinapos na 15-puntos upang ipalasap ng Complete Protectors  ang ikaapat na talo sa anim na laro sa Road Kings.

Sa pangunguna ni Fil-Am Solomon Mercado lumayo ang mga Batang Pier sa 58-47 mula sa 33-32 halftime lead matapos maoutscore ang Comets, 25-15, sa third quarter upang kontrolin ang laro.

vuukle comment

BATANG PIER

COMPLETE PROTECTORS

DRINK CUP

FIL-AM SOLOMON MERCADO

HAPEE TOOTHPASTE

HARBOUR CENTRE

REED JUNTILLA

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

TOYOTA BALINTAWAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with