^

PSN Palaro

Tuloy na ang laban ni Batawang kay Solis

-

Matapos makansela ng dalawang beses ang kanilang laban, matutuloy na rin ang paghahamon ni Filipino challenger Bert Batawang kay Mexican light flyweight Ulises “Archie” Solis sa Disyembre 8 sa Guadalajara, Mexico.

Ayon sa Mexican press, inihayag na nina promoter Guillermo Brito ng Tijuanese promotional outfit na Zanfer at manager Fernando Beltran ang pagdedepensa ni Solis kay Batawang para sa International Boxing Federation (IBF) light flyweight title.  

Ang dalawang pinagpipiliang venue sa Guadalajara para sa Solis-Batawang championship fight ay ang Benito Juarez Auditorium at ang Telmex de la Universidad de Guadalajara.

Ibinabandera ni Solis, ang nakababatang kapatid ni Mexican featherweight Jorge Solis na pinatumba ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa seventh round noong Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas, ang 25-1-2 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs, samantalang dadalhin naman ng 36-anyos na si Solis ang 50-6- (34KOs) card. (RC)

BENITO JUAREZ AUDITORIUM

BERT BATAWANG

FERNANDO BELTRAN

GUADALAJARA

GUILLERMO BRITO

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JORGE SOLIS

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with