^

PSN Palaro

Ateneo lusot sa Santo Tomas

-

Kahanga-hangang performance ang ipinamalas ng Ateneo sa huling set ng laban upang igupo ang University of Santo Tomas, 22-25, 25-22, 23-25, 25-19, 15-6, para sa impresibong simula ng kanilang kampanya sa Shakey’s V-League Second Conference na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan kahapon.

Nagtala si Thai guest player Lithawat Kesinee ng 32-point performance sa kanyang debut na nagbigay inspirasyon sa kanyang mga kakampi nang lubog na sila matapos ang tatlong sets.

Nagpakawala si Kesinee ng 24 kills, ang ilan nito ay ginawa niya sa ikaapat at ikalimang sets upang iangat ang Ateneo.

Sumuporta naman sina Patricia Taganas at Ma. Rosario Soriano na may pinagsamang 25-puntos habang nag-ambag naman sina Denise Acevedo, Karla Bello at Bea Pascual ng siyam, pito at limang points, ayon sa pagkakasunod para sa balanseng atake ng Ateneo tungo sa buwenamanong panalo sa ligang suportado ng Shakey’s Pizza.

Samantala, nakopo naman ng STAR photographer na si Jun Mendoza ang top P20,000 prize sa photo contest. (RC)

ATENEO

BEA PASCUAL

DENISE ACEVEDO

JUN MENDOZA

KARLA BELLO

LITHAWAT KESINEE

PATRICIA TAGANAS

ROSARIO SORIANO

SAN JUAN

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with