‘Giyera’ ng magkapatid na Pumaren

Hindi umabot sa Finals ang Ateneo na masya-dong mahaba at matarik ang dinaanan.

Tinapos ng De La Salle University ang kanilang paghihirap at inihanda naman ng Green Archers ang kanilang sarili para sa pakikipagtunggali sa University of the East Red Warriors para sa UAAP Finals.

At ngayon nasa pinal na yugto na ang UAAP basketball!

Handa na rin ang Red Warriors, na matagal nang naghihintay ng kanilang makakalaban makaraang ma-sweep ang 14-games elimination.

Makatulong kaya sa East ang matagal nilang pananabik at paghihintay?

Siguro naman dahil buong-buo pa rin ang deter-minasyon ni coach Dindo Pumaren at ng kanyang mga bataan na ngayon na ang tamang panahon para mailuklok sa unahan ng basketball event ang UE, makaraan ang ilang beses na pagsablay nila dito.

Labanan ng mga paaralan na magiging labanan din ng pamilya.

Bakit?

Eh kasi si Dindo ang gumigiya sa UE Red Warriors na ang nakatatandang kapatid na si Franz naman ang may hawak sa DLSU.

Ang DLSU ay mainit din sa titulo dahil noong nakaraang taon ay hindi sila kasali sanhi ng suspensiyon sa paggamit ng mga ‘ineligible’ player.

At siyempre ngayong taon, gusto nilang patunayan na magkakampeon sila ng malinis.

Sa kabilang banda, tatlong beses na atang nabulilyaso ang UE sa pagpasok sa finals.

Ito naman ang kanilang sandata sa determinasyong makuha ngayon ang kampeonato.

O di ba, parehong may adhikain at ambisyong nais matupad ang dalawang team at ang magkapatid.

Kaya inaasahan ang ‘giyera’ sa pagitan ng dalawang Pumaren para sa kani-kanilang koponan.

At kung sino ang magwawagi? Iyan ang hihintayin ng lahat.

* * *

Personal: Happy birthday kay Benjie Paras (Oct. 2) , Araceli Ocampo (Oct.3) Fanny Baldovino (Oct. 4) at Margie Silaya Perdido (Oct. 5). Belated din kay Pareng Mon Fernandez (Oct. 1)

Show comments