Cagayan De Oro City — Kasabay ng pagpa-patunay nina national training pool mem-bers Godfrey Castro, Joeden Ladon at Michael Paragoso ng kanilang kakayahan, umagaw naman ng eksena ang punung-abalang Misamiz Oriental sa 2007 Smart National Open Boxing Championships dito.
Tinalo ni Castro ng Philippine Army si Michael Denila ng Iligan City via RSC (referee stopped contest) sa bantamweight class, samantalang bini-go naman ni Ladon ng Philippine Navy si Rexam Borga ng Gingoog City mula sa isang RSC sa lightweight division at pinayukod ni Para-goso ng Zubiri si Jeffrey Pentason ng Davao del Norte sa pinweight category.
Sa kabila nito, nagpa-ramdam pa rin ang Misa-miz Oriental sa naturang week-long event na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP).
Iginupo ni bantamweight Jefferson Suan si Rubin Lobrido ng Navy via RSC, habang bini-go naman ni lightweight Listraiano Tappcine si Leo Militante ng Zamboanga City, 22-17, at tinalo ni Cadets Merlito Buhjan si Adrian Lorin ng Sorso-gon, 22-16.
“Okay naman ang performance nila, pero kailangan pa siguro ng konting depensa,” obser-basyon ni 1990 Beijing Asian Games gold medalist Robert Jalnaiz, head coach ng Misamiz Oriental boxing team.
Ang mga tatangha-ling gold medalist sa naturang torneo ay iku-kunsidera para sa national squad na lalahok sa ilang qualifying meet patungo sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China.
“Kailangan pa tala-gang mag-ensayo ng mabuti at magpursige para makahabol pa sa national team,” wika ng Army Corporal na si Castro, ang 2006 Asian Games bronze medalist sa Doha, Qatar.
Puntirya ng tubong Cadiz City na si Castro ang kanyang ikatlong gold medal sa National Open matapos maghari sa bantamweight class noong 2003 sa Iriga at noong 2005 sa Palawan.
Isa naman si Jay-R Quiam, dinaig si Gary Lastrilla ng Navy, ng Elorde Boxing Team na sinabi ni Castro na maaari niyang makasagupa sa gold medal round.
Nagtala rin ng panalo sa kani-kanilang dibis-yon sina bantamweight Robert Reosabeno ng Sorsogon, lightweight Rene Villaluz ng Navy, Cadets Estevi Dahan at Glen Contiveros ng Da-vao del Norte at pinweight Michael Paragoso ng Zubiri.