^

PSN Palaro

Laban ni Batawang kay Solis ‘di na naman tuloy

-

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, ay tila makakansela na naman ang inaabangang laban ni Filipino light flyweight contender Bert Batawang.  Ito ay matapos umugong ang balita na hindi na matutu-loy ang world light flyweight championship fight nina Batawang at ng kasalukuyang kampeong si Ulises Solis sa Setyembre 16.

Isang shoulder injury ni Solis, ang International Boxing Federation (IBF) light flyweight champion ngayon, ang nagtulak sa mga organizers na iurong ang naturang laban sa 35-anyos na si Batawang sa bagong petsa.

 Ibinabandera ng 25-anyos na si Solis, kapatid ni featherweight Jorge Solis na pinabagsak ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa seventh round ng kanilang World Boxing Council (WBC) International super featherweight championship noong Abril sa Alamodome sa San Antonio, Texas, ang 25-1-2 win-loss-draw ring record kasama ang 19 knockouts.   

Matagumpay na naipagtanggol ng pambato ng Guadalajara, Mexico ang kanyang IBF crown matapos umiskor ng isang 8th round KO kay Filipino challenger Rodel Mayol noong Agosto 4 sa All State Arena sa Rosemont, Illinois, USA. 

Tangan naman ni Batawang, dapat sana ay kabilang sa anim na Filipino fighters na sumabak sa nakaraang 2007 Philippines vs Mexico World Cup sa Arco Arena sa Sacramento kundi lamang nagkaroon ng eye injury ang kanyang kalaban, ang 50-6 (34 KOs). 

Nasa isang five-fight winning streak ang tubong Cebu City na si Batawang, ang huli ay ang kanyang fourth round KO kay Sofyan Efendi noong Pebrero 24 sa Cebu.

 Inaasahang ihahayag ng Top Rank Promotions ni Bob Arum ang bagong petsa ng IBF light flyweight championship fight nina Solis at Batawang sa susunod na linggo. (RCadayona)

ALL STATE ARENA

ARCO ARENA

BATAWANG

BERT BATAWANG

BOB ARUM

CEBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with