^

PSN Palaro

Hindi lahat ng na-draft ay mabibigyan ng kontrata

SPORTS - Dina Marie Villena -

Mula sa 44 rookie applicants sa PBA Draft, may 17 cagers lang ata ang nakuha.

Sa 17 na ito, hindi rin lahat ay mabibigyan ng kontrata.

At ang mga hindi nakuha, malamang na bumalik sa kani-kanilang dating team na pinaglalaruan, pero ang option nito ay pawang mga free agents na sila.

Anytime (sa pagkakaalam ko), pwede silang makipag-negotiate sa ibang team sakaling kakaila-nganin ang kanilang serbisyo.

Sino naman kaya mula sa 17 rookies na ito ang lulutang ang galing?

Iisa lang ang tiyak: kung sino ang mabibigyan ng mas mahabang playing time ay tiyak na makaka-pagpakitang-gilas,at bentahe rin ang team na kumuha sa kanila sa magiging katayuan sa pagpa-sok ng conference sa Oktubre.

* * *

Opisyal nang nagsimula si Sonny Barrios (Sonny B. sa marami) bilang OIC ( o pansamantalang commissioner) sa PBA sa Annual PBA Draft noong Linggo sa Market, Market sa may Taguig City.

Hindi ko alam pero masyado yata akong naging ma-drama habang nanonood sa telebisyon ng PBA Draft noong Linggo.

Ma-drama man o OA ako sa paningin ng iba, pero parang ang yumao at dating PBA commissioner Jun Bernardino ang napapanood ko habang nagsa-salita si Sonny B. sa podium at binabanggit ang mga pangalan ng mga draftees ng bawat team.

Well, siguro, masayang-masaya si Jun B. para sa kanyang kaibigang si Sonny B. kasi alam niyang malaki ang maitutulong nito sa liga na naging bahagi na ng kanilang career o buhay.

Di ba Sonny B.?

* * *

Apat na buwan na lang at Southeast Asian Games na naman. Pero bakit ganun? Hindi matunog ang training ng mga athletes ngayon?

Ang SEA Games ay gaganapin sa Thailand sa Disyembre. Tiyak na naghanda ng husto ang Thai para maagaw ang overall championship sa atin.

JUN B

JUN BERNARDINO

LINGGO

SONNY B

SONNY BARRIOS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with