OIC muna ang hanap ng PBA
Bago magpangalan ng bagong Commissioner ng Philippine Basketball Association (PBA), ang tatayo munang Officer-In-Charge (OIC) ang siyang pipiliin ng PBA Board.
Isang pulong ang itinakda ngayon ng PBA Board Executive Committee kung saan pag-aaralan ng mga miyembro nito ang ilang pangalan na inilista para umakto bilang OIC ng professional league matapos ang pagbaba sa puwesto ni Noli Eala kamakalawa.
”Pag-uusapan namin ‘yong contingency plan ng liga at balita ko ay may-roon silang ihahain sa table na list of names who can become our OIC,” ani PBA chairman Ricky Var-gas ng Talk ‘N Text. ”Ang ibig sabihin ng OIC ay hindi pa siya perma-nente. It will just bridge the gap between now and the time that we chose the permanent PBA Commissioner.”
Ilan sa mga sina-sabing nasa listahan ng PBA Board of Governors ay sina dating Sen. Robert Jaworski at Sen. Freddie Webb, four-time PBA Most Valuable Player Ramon Fernandez, coaches Chito Narvasa at Chot Reyes, dating PBA Deputy Commissioner Tommy Manotoc, dating San Miguel representative Ed Manlapit, PBL Commissioner Chino Trinidad, PBA Basketball Operations chief Rickie Santos at si basketball amateur project director Mikee Romero ng Harbour Centre.
“Maraming pangalan ang lumalabas at mara-ming sina-suggest ‘yung ibang (PBA) Governors. Kaya we will put the short list together,” sabi ni Vargas, hindi kinumpirma kung sinibak o kusang bu-maba sa pagiging Commissioner si Eala.
“We were faced with a situation na we have somebody who is a good performer and at the same time meron siyang mga personal issues. Hindi pa naman namin isinasarado ang pintuan para sa
Samantala, ilulunsad ngayon ang PBA Mall Tour sa Robinson’s Pioneer sa Mandaluyong.
Dadalo sa paglulunsad sina Eli Capacio, Ricky Var-gas, Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa, Franz Pumaren, Samboy Lim, Hector Calma at executives ng Robinsons.
Magkakaroon ng pakiki-pagtagpo ang mga fans sa mga PBA players, pagpa-pakuha ng larawan kasama ang mga idolo, photo galle-ries at basketball clinics. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending