^

PSN Palaro

Mirza ng UST, napiling ANTA-UAAP Player of the Week

-

Dumating sa takdang panahon ang rookie na si Khasim Mirza para sa University of Santo Tomas.

Nang nasa bingit ng alanganin ang defending champion, nagpakawala ng eksplosibong laro si Mirza sa UAAP seniors basketball tournament.

Si Mirza ang susi sa krusiyal na panalo ng Tigers sa 4-3 record para sa three-way tie kasama ang Ateneo at Far Eastern University sa ikatlong puwesto.

Ang payat na 6’4 forward mula sa Antipolo City na si  Mirza ay may average na 18.5 puntos at 4.5 rebounds sa 24 minutong paglalaro sa nakalipas niyang dalawang laro at naging dahilan upang mapili siya ng UAAP Press Corps bilang ANTA UAAP Player of the Week.

Ang kanyang numero ay isang malaking paglun-dag mula sa 6.6 points at 3 rebounds sa 12.4 minu-tong paglalaro sa kanyang nuanang limang laro.

Habang sala sa init at lamig ang UST, sinimulan ni Mirza ang pag-iinit makaraang lasapin ang 86-90 kabiguan sa La Salle sa overtime.

Nagtala si Mirza ng 12 puntos, 4 rebounds at 1 assist sa 20 minutong aksiyon kontra sa Archers bago nagpakawala ng game-high 25 puntos noong Agosto 4 sa panalo ng Tigers sa Ateneo, 87-74.

Sa kanyang career-high performance, ipina-kita lamang ni Mirza ang kanyang pruweba ng kumana ito ng 12 puntos sa 4th quarter scoring spree kontra sa Eagles.

Nakakuha din ng no-minasyon para sa ANTA-backed plum sina Kelvin Gregorio at Mark Borbo-ran na bumandera sa 7-0 sweep ng University of the East sa unang round.

ANTIPOLO CITY

ATENEO

FAR EASTERN UNIVERSITY

KELVIN GREGORIO

KHASIM MIRZA

LA SALLE

MARK BORBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with