Hindi si Chris Calaguio ang ibinigay ng San Miguel Beer sa Red Bull para sa isang four-player trade kundi ang 6-foot-7 na si Omanzie Rodri-guez.
Naplantsa na ang trade matapos dalhin ng Beermen sina Rodriguez, Francis Adriano at Fil-Am off-guard Brandon Lee Cablay sa Bulls kapalit ng 2005 PBA Rookie of the Year (ROY) awardee na si Larry Fonacier.
Ang pagbibigay ng San Miguel kina Cablay, Adriano at Rodriguez ay bilang preparasyon sa pagbabalik sa koponan nina Danny Seigle at Don-don Hontiveros mula sa San Miguel-Pilipinas at ni 6’2 Lordy Tugade galing sa injury.
Sa paglipat ng 6’2 na si Fonacier, ang 14th overall pick ng Bulls noong 2005 PBA Draft, sa Beer-men makakasama niya ang mga kapwa Ateneo Blue Eagles na sina Rico Villanueva, Wesley Gon-zales at LA Tenorio.
Produkto rin ng Ate-neo sina Olsen Racela at head coach Chot Reyes.
Naiwanan naman ng 25-anyos na si Fonacier sa Red Bull ang mga ka-kampi niya sa Blue Eagles na sina Rich Alvarez, Paolo Bugia at Magnum Membrere.
Samantala, tinanggap naman ni basketball godfather Mikee Romero ang posibleng paglalaro ni Fil-Am Gabe Norwood sa Harbour Centre-RP Team para sa darating na 24th Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyem-bre.
“He’s very much welcome to the team,” wika ni Romero sa produkto ng George Mason University sa US NCAA Division I na miyembro ngayon ng San Miguel-Pilipinas ni Reyes.
“With his athleticism and desire to help the cause of Philippine team to the Thailand SEA Games, he will be a welcome addition to the team.”
Sapul noong 1991 Manila SEA Games, ang mga Pinoy na ang nagha-hari sa men’s basketball ng naturang biennial meet. (RCadayona)