^

PSN Palaro

Top seed players maagang magtatapat

-

Inaasahan ang maa-gang pagtatagpo nina world No. 2 Chen Hong ng China at reigning Olympic champion Taufik Hidayat sa pagsisimula ng Bingo Bonanza Philippine Open Badminton championship sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kung maglalaro sa kanilang tunay na pama-tay na porma, inaasahang madaling madidispatsa nina Chen at Hidayat ang kanilang unang tatlong asignatura bago magha-rap sa quarterfinal round ng eksplosibong duelo sa pagitan ng dalawang pina-kamatinik na manlalaro sa mundo sa upper half ng 64-man main draw.

Ngunit ang top three seed sa women’s singles na sina --Xu Huaiwen ng Germany, Pi Hongyan ng France at Malaysian Mew Choo Wong-- ay umayaw sa bisperas ng $120,000 event.

SI Xu, world No. 5 ay na-injured noong naka-raang linggo sa China Masters, habang si Pi, world No. 6 na dumating sa bansa noong Linggo ay nilalagnat. Ang third seed na si Wong, No. 11, ay injury din ang dahilan ng pag-ayaw sa torneong hatid ng Bingo Bonanza Corp.

Dahil dito, pinunan nina Eriko Hirose ng Japan, Pui Yin Yip at  Dane Tine Rasmussen ng Hong Kong  ang top three seed-ings at may tatlong dag-dag na slots na pinaglala-banan sa qualifier na ginaganap habang sinu-sulat ang balitang ito.

Gayunpaman nanati-ling intact at malakas ang men’s side.

 Nakakuha naman ng tiket sa main draw ng women’s doubles ang magkapatid na Raquel at Rachel Guerrero ngunit nahaharap sa malakas na laban kontra kina Sook Chin Chong at Amlie Anselly ng Malaysian sa first round.

Ang magkapatid na Kennie at Kennivic Asun-cion naman ay makaka-harap ang Portuguese pair nina Filipa Lamy at Alexandre Paixao sa pagbubukas ng kam-panya ng magkapatid sa mixed doubles event sa lower half ng torneong suportado ng Victor (exclusively distributed by Pcome Industrial Sales, Inc.), Snickers, The Philippine Star, Solar Sports (official broadcaster), Holiday Inn Galleria Manila at The Richmonde (official hotels).

vuukle comment

ALEXANDRE PAIXAO

AMLIE ANSELLY

BINGO BONANZA CORP

BINGO BONANZA PHILIPPINE OPEN BADMINTON

CHEN HONG

DANE TINE RASMUSSEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with