Gamit ang bagong bisikleta, ipinaramdam ni Vellum team captain Frederick Feliciano sa 95 pang riders ang kanyang lakas sa Prologue ng 2007 Padyak Pinoy na hatid ng Tanduay sa paki-kipagtulungan ng Wow Magic Sing at Air21, nang pangunahan nito ang 3.2 kilometrong ruta sa gilid ng Mall Of Asia.
Gamit ang carbon fiber, disk wheel na bisik-leta, tinapos ng 28-gulang na si Feliciano ang individual time trial na opening stage sa loob ng tatlong minuto at 55 segundo para talunin ng apat na tikada lamang ang pumangalawang si Victor Espiritu ng Wow Magic Sing at isubi ang P5,000 stage prize habang nag-kasya lamang si Espiritu sa P3,000 runner-up prize.
”Hindi ko ini-expect na makuha itong lap, so bali malaking panalo ito para sa akin,” wika ni Feliciano, kilalang mountain biker na kumuha ng Baguio killer lap noong nakaraang taon ngunit sa kanyang ba-gong bisikleta, may kaka-yahan itong makipagsa-bayan sa patag at remate-han. “Ngayon lang ako nakagamit ng ganitong bike.”
Hindi naman nalalayo ang defending champion na si Santy Barnachea ng Champion team na may 12 segundong distansiya tulad ng 2004 champion na si Arnel Quirimit sa stage winner sa likod ng third placer na si Alvin Benosa ng U-Freight na may pitong segundong time deficit.
“Mahirap ang labanan, malakas ang mga kala-ban,” ani Barnachea. Ma-hirap pag wala kang kakampi dito. Pare-pare-has lang kami, kundisyu-nan ang labanan. Sa ahon na kami magkakahiwa-hiwalay,” dagdag pa nito.
Nakikini-kinita ang showdown ng mga RP team members sa taong ito dahil bukod kina Feliciano at Barnachea, contender din para sa overall individual title na may premyong P50,000, ang mga nagbabalik sa Tour na sina Victor Espiritu at Lloyd Reynante.
“Hindi pa natin masabi mahaba pero tingin ko si Lloyd ang No. 1 kasi nasa peak siya ngayon dahil nakakasama ko siya sa training,” ani Espiritu na huling kumarera noong 2004.
”Medyo pressure kasi sabik kami sa tour,” wika ng 28-gulang na si Reynante, ang King of the Mountain noong 2004 at second overall sa likod ng nagkampeon na si Ryan Tanguilig.
Pormal na sisikad ang 2007 Padyak Pinoy na inorganisa ng Dynamic Outsource Solutions Inc. sa ilalim ni Gary Cayton at pinangangasiwaan ni Paquito Rivas ng Philippine National Cycling Association at kinilala ng PhilCycling ni Bert Lina at lisensiyado ng Games and Amusements Board ni Chairman Eric Buhain ngayon mula sa Quezon City Circle patungong Cabanatuan, Nueva Ecija.