'Flash' Elorde nag-una sa Filipino boxing greats
Sasamantalahin ng Cebuana Lhuillier-Pera Padala ang kanilang pamamayagpag upang makasiguro ng awtoma-tikong semifinals berth sa kasalukuyang 2007 PBL Unity Cup na magpapa-tuloy sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Isang panalo para ma-kakasiguro ang Money-men ng playoff para sa awtomatikong semifinal slot na ipagkakaloob sa top two teams pagkatapos ng eliminations, isa pang panalo at sigurado na sila sa Final Four.
Ito ang kanilang pag-sisikapang makamit at hangad nila ang mahala-gang panalo kontra sa mapanganib na Burger King na gigil na makaba-ngon sa apat na sunod na kabiguan matapos ang magarbong 4-0 simula.
Tampok na laro ang engkwentro ng Cebuana at Burger Whoppers sa alas-4:00 ng hapon pag-katapos ng opening game sa pagitan ng Toyota Balintawak at San Miguel Magnolia.
Katabla ng Burger King ang Toyota Road Kings sa 4-4 win-loss slate habang ang San Miguel Magnolia ay may 2-6 record sa likod ng Henkel Sista na may 4-5 record, at bahagyang nakaka-angat sa kulelat na Dazz ‘Sang Patak na may 2-7 kartada.
Gagamiting inspiras-yon ng Toyota ang 69-63 panalo laban sa mga Batang Pier na nagpataas ng kanilang moral para duplikahin ang 66-51 sa kanilang unang pagha-harap noong Abril 21.
Nanalo ang Burger King kontra sa Cebuana sa kanilang unang pagkikita noong Abril 24, 80-69 at sisikapin nilang maulit ito sa tulong nina reigning UAAP MVP Kent Bono, beteranong si Eric dela Cuesta, ace point guard Macky Escalona at Doug Kramer. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending