ACES ibinangon nina Thoss at Miller
May 7, 2007 | 12:00am
Nakaahon na ang Alaska pero ang Welcoat, palubog nang palubog na.
Nakabangon sa dalawang sunod na kabiguan ang Aces sa pagbibida nina Sonny Thoss at Willie Miller tungo sa 74-66 panalo kontra sa Dragons sa pagpapatuloy ng classification round ng Talk N Text PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum kagabi.
Kumamada ng tig-15 puntos sina Thoss at Miller upang ihatid ang Alaska sa ikawalong panalo para saluhan ang defending champion Red Bull at Air21 sa pagbuntot sa league leader na Barangay Ginebra na may pinakamatayog na 10-2 win-loss slate.
"Sometimes its the struggle that’s important. I congratulated the team because they struggled and came through in the end," sabi ni coach Tim Cone sa Alaska na nagpalasap sa Welcoat ng kanilang ikaanim na sunod na talo sanhi ng kanilang pagkakabaon sa ilalim ng team standings bunga ng kanilang kulelat na 2-10 kartada.
Nagtulung-tulong sina Miller, John Ferriols at import Rosell Ellis sa 17-5 bomba tungo sa 54-46 bentahe ng Aces sa huling 1:09 ng ikatlong quarter at lumamang ng 12-puntos sa 68-56 sa huling 4:38 ng labanan na hindi na nakayanang tinagin ng Dragons na nakakuha ng 18-puntos at 20-rebounds kay import Wayland White ngunit kinapos sa suporta ng locals.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang San Miguel Beer (4-7) at Purefoods (4-8). (MBalbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended