^

PSN Palaro

Katatagan pakay ng Batang Pier

-
Katatatagan sa liderato ang pakay ng defending champion Harbour Centre sa kanilang pakikipagharap sa mapa-nganib na Toyota Balintawak sa triple bill na nakatakda ngayon sa 2007 PBL Unity Cup na magpapatuloy sa The Arena sa San Juan.

Ikalimang sunod na panalo ang target ng mga Batang Pier sa alas-12:00 ng tanghaling pakikipagsagupa sa Road-kings bilang pampagana.

Nasolo ng Harbour Centre ang liderato nang malaglag ang dati nilang kasosyong Burger King matapos lumasap ng 95-92 kabiguan kontra sa San Miguel-Magnolia sa isang overtime game kamakalawa.

Matapos malasap ang ika-lawang sunod na talo, bumag-sak ang Whoppers sa 4-2 kartada kasunod ang Toyota at Cebuana Lhuillier na tabla sa 3-2 record.

Tangka naman ng Henkel Sista ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang pakikipag-harap sa San Miguel Magnolia sa ikalawang laro sa alas-2:00 ng hapon.

Nasa solong ikalimang puwesto ang Beverage Masters taglay ang 2-3 record habang ang Super Sealers at Dazz ‘Sang Patak ay nasa ilalim ng team standings taglay ang 1-4 kartada.

Sa ikatlo at huling laro, maghaharap naman ang Dazz at Moneymen sa alas-4:00 ng hapon.

Kapanapanabik ang laba-nang ito na rematch ng kani-lang finals noong nakaraang taon.

Bumangon ang Batang Pier mula sa 1-2 deficit upang igupo ang Roadkings tungo sa titulo. (Mae Balbuena)

BATANG PIER

BEVERAGE MASTERS

BURGER KING

CEBUANA LHUILLIER

DAZZ

HARBOUR CENTRE

HENKEL SISTA

MAE BALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with