Bautista at Banal tutungo na sa Nevada
April 29, 2007 | 12:00am
Mula sa Puerto Rico ay magtutungo na bukas ang grupo nina Filipino fighters Rey "Boom Boom" Bautista at AJ "Bazooka" Banal sa Las Vegas, Nevada para sa kani-kanilang laban sa Mayo 5 sa MGM Grand Resort.
Sasakay ang tropa nina Bautista at Banal sa American Airlines Flight 1235 na aalis sa Puerto Rico ng alas-4:20 ng hapon at darating naman sa Las Vegas sa ganap na alas-10:15 ng gabi.
Makakasama nina Bautista at Banal, nasa undercard ng Oscar Dela Hoya-Floyd Mayweather, Jr. world junior middleweight cham-pionship, si Filipino trainer Edito Villamor.
"The boys are now very excited to be in Vegas for their fights," big-kas ni Villamor kina Bautista at Banal, kapwa sinanay ni 2006 Trainer of the Year Freddie Roach sa Puerto Rico kasabay si Dela Hoya.
Sasagupain ni Bautista si Sergio Manuel Medina ng Ar-gentina para sa eliminator ng World Boxing Organization (WBO) kung saan ang mana-nalo ang hahamon kay super bantamweight champion Daniel Ponce De Leon ng Mexico.
Matatandaang naidepensa ng 26-anyos na si Ponce De Leon ang kanyang suot na WBO super bantamweight crown laban sa 34-anyos na si Filipino warrior Gerry Peñalosa via unanimous decision.
Makakalaban naman ni Banal si Mexican fighter Juan Alberto Rosas.
Makakatuwang ni Roach sa corner nina Bautista at Banal si Villamor para sa kani-kanilang laban kina Medina at Rosas, ayon sa pagkakasunod. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended