Adamson spikers kumpiyansa sa pagdepensa ng titulo

Sa tindi ng kompe-tisyon ngayon, hindi pa maaaring magkumpi-yansa sina Mike Alinsu-nurin at Sherwin Meneses ng nagdedepensang Adamson University.

Ito ay base na rin sa pahirapang 21-16, 23-21 tagumpay nina Alin-sunurin at Meneses kina Joshua Alcarde at Jeremy Pedregosa sa men’s division para umabante sa semifinals ng Luzon eliminations para sa 11th Nestea Beach Volleyball kahapon sa La Salle-Greenhills.

Kagaya ng Falcons, kumuha rin ng tiket sa semis sina Michael Manuel at Harold Pavia ng St. Francis of Assisi makaraang talunin sina Eddie Macdon at Angelo Espiritu ng St. Benilde, 17-21, 21-16, 15-11.

Sa women’s class, pumasok naman sa se-mis sina Cathlea Villaluz Arlene Bernardo ng Philippine Christian University at Hannah Suarez at Rissa Jane Laguilles ng Adamson.

Kinuha nina Lady Dolphins Villaluz at Bernardo ang isang 21-23, 21-19, 15-12 panalo laban kina Letran Lady Knights Bangladesh Pan-taleon at Joy Cases, habang ginitla naman nina Lady Falcons Hannah Suarez at Rissa Jane Laguilles sina FEU Lady Tams Wendy Anne Semana at Lorelin Astor-ga, 22-20, 22-20.

"We still need to win our last game today para maka-assure kami sa top three papunta sa Bora-cay," ani coach Minerva Pante, nakasabay ni Sen. Robert Jaworski, Sr. sa University of the East, para sa Adamson.

Ang top three teams sa men’s at women’s division ang siyang kukuha ng tiket patungo sa National Finals sa Boracay sa Abril. (Russell Cadayona)

Show comments