^

PSN Palaro

4th win asam ng Express

-
Ninanamnam pa ang magandang panimula at pinanghahawakang solo liderato, tatangkain ng Air 21 na abutin ang ikaapat na panalo sa kanilang pakikipaglaban sa Pure-foods TJ Giants sa pagba-balik aksiyon ng Talk N Text-PBA Fiesta Confe-rence sa Cuneta Astro-dome ngayon.

Ang gametime sa ganap na alas-4:30 ng hapon.

Pagkatapos nito, ganap na alas-7:30 ng gabi, puntirya naman ng Red Bull ang katatagan sa ikalawang posisyon sa kanilang pakikipagtagpo sa Sta. Lucia Realty.

Muling magtutulong sina Gary David at import Shawn Daniels, ang David at Goliath tandem, para sa hangarin na ito ng Express.

Ngunit tatapatan ito ng nagbabalik na si Pure-foods import Marquin Chandler na naibangon ang nalulugmok na pag-asa ng Purefoods maka-raang itala ang 79-77 panalo laban sa San Miguel Beer noong Miyer-kules makaraang mala-sap ang tatlong sunod na kabiguan nang si Jesse King pa ang kanilang reinforcement.

"It feels good to be back. I’m still struggling onsome of my moves. I’m not yet 100 percent fit but I’m smarter," wika ni Chandler na nagpa-kawala ng 33 puntos, 12 rebounds 3 assists at two blocks sa kanyang debut noong Miyerkules.

Samantala, kasalu-kuyang naglalaban ang Barangay Ginebra at Coca-Cola sa Lipa City, habang sinusulat ang balitang ito. (Dina Marie Villena)

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

CUNETA ASTRO

DINA MARIE VILLENA

FIESTA CONFE

GARY DAVID

JESSE KING

LIPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with