Maagang kinontrol ng Aces ang Dragon na nabaon sa 54-33 sa halftime at minintina ng Alaska ang mahigit 20-puntos na bentahe sa second half tungo sa kanilang ikatlong panalo sa apat na laro.
Dinomina ng Aces ang boards sa kanilang 49-rebounds, 30 sa depensa kontra sa 35 lamang ng Dragons na lumasap ng kanilang ikalawang sunod na talo at ikatlo sa kabuuang apat na laro.
Sinapawan ni Welcoat import Charles Clark si Rossell Ellis sa kanyang tinapos na 29-puntos, 11 rebounds at tatlong assists ngunit tangin si Jay-R Reyes lamang ang nakapagsumite ng magandang numero bukod sa kanya sa tinapos nitong 18 points.
Sa kabuuan, ang Aces na may pinakamalaking kalamangan na 22 puntos, 77-75, ay may 51.9% field goals shooting sa kanilang 40-of-77 attempts kumpara sa 34.8 % lamang ng Welcoat na 24-of-69 field goals.
Samantala, hangad naman ng Barangay Ginebra na matuhog ang ikatlong sunod na panalo sa pakikipagharap sa Coca-Cola sa pagdako ng aksiyon sa The Arena sa San Juan.
Alas-7:00 ng gabi ang sagupaan ng Gin Kings na nag-iingat ng 2-1 record at Tigers na nais namang maitala ang ikalawang sunod na panalo.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Purefoods at San Miguel na parehong nais makabangon sa ikatlong sunod na kabiguan para makaahon sa kulelat na posisyon. (Mae Balbuena)