^

PSN Palaro

Tutoong ‘team unity’ sa basketball

GAME NA! - Bill Velasco -
Ayon sa Ateneo Basketball League o ABL, maaari din silang kilalaning ‘Team Unity’ dahil naipagbuklod nila ang lahat ng sektor ng Ateneo de Manila community sa pamamagitan ng larong basketbol.

"One thing Philippine history has shown us time and time again is that there is no such thing as a unified party system in the country. The needs of the few always out-weigh the needs of the many," puna ni Miguel "Chiqui" Paterno, namumuno sa Management Partners Group o MPG, na siyang nagpapatakbo ng ABL.

Maihahalintulad daw ang kanilang proyekto sa pagkakaisang natamo ng Basketball Association of the Philippines - Samahang Basketbol ng Pilipinas matapos ang dalawang taong di-pagkakaisa, di tulad diumano ng amateur sports sa ating bansa, na hiwa-hiwalay ang liga, tulad ng UAAP, NCAA, UCAA, CUSA at NCRAA.

Sa kasalukuyang basketball season ng ABL, isang di-mapantayang rekord na 204 koponan ang lumahok sa 29 na dibisyon. Sa dami pa lamang ng manlalaro, walang ibang liga sa Pilipinas ang makakalapit sa dami ng manlalaro.

"Very few leagues even have one-fourth of the number of teams that the ABL has," dagdag ni Paterno. 131 sa mga team ay binubuo ng mga alumni ng iba-ibang Jesuit school sa Pilipinas, at ang kinakailangan lamang ay nakapag-aral ang player sa isa sa mga paaralang iyon ng di-kukulangin dalawang taon.

Samantala, 18 sa mga team ay grade school students, 8 ay high school students, 28 ay nilahukan ng college students, walo ay mula sa law school, lima ay binubuo ng kababaihan, at anim ay binuo ng mga empleyado.

"From the very beginning, the vision we had for the ABL was for it to be an avenue to unite the entire Ateneo community," pahabol ni Paterno, na nagpapatakbo sa ABL mula 2001. "That’s why it was simply called the Ateneo Basketball League." "The ABL is perhaps the only activity in the Ateneo that draws the active participation of members of all sectors of the community on an annual basis," sabi naman ni Jun Dalandan, Director for Alumni Relations ng unibersidad.

Bagamat napakalaki na ng ABL, tinatangka pa nitong magdagdag pa ng koponan sa mga darating na season.
* * *
Abangan ang programang The Basketball Show mamayang alas tres ng hapon sa Basketball TV.

ABL

ALUMNI RELATIONS

ATENEO

ATENEO BASKETBALL LEAGUE

PATERNO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with