Dinala ng Oben Holdings, Inc. franchise ang pangalan ng kanilang Otis branch sapul nang pumasok sa liga, tatlong taon na ang nakakaraan.
"Mr. Oben just thought that it’s time that their Balintawak branch should be thrust into the limelight after years of successful dealership," ani league chairman Gil Angeles, ang kinatawan ng team sa Board of Governors.
Ang koponan ay ima-manage pa rin ng kapatid ni Oben na si Baby, habang ang kanyang anak at jun-golf standout na si Cosco, ang hahawak ng operations bilang manager ng Balintawak branch.
S‑i Louie Alas pa rin ang coach ng team na bubuuin nina Marvin Cruz, Patrick Cabahug at Dennis Daa na naging susi sa pagsulong ng Toyota Otis sa semifinals sa nakaraang PBL Silver Cup. Naririyan din sina Erick Rodriguez at RJ Azul.
Sa likod ng bagong pangalan, mananatili pa rin ang prinsipyo ng koponan na ‘laban hanggang sa huli.’
"We’re known for our resilience, resolve and hard-nosed defense, so we hope we can keep that," ani Angeles.