^

PSN Palaro

Giants nanliit sa Coke

-
Masama ang simula ngunit bumabawi sa huli. Ganito ang pangyayari sa dalawang laro ng Coca-Cola.

Tulad ng kanilang panalo sa kanilang opening Game sa Fiesta Conference na ito, bumawi ang Tigers sa kanilang masamang simula at humataw sa huling bahagi ng labanan tungo sa 98-81 panalo kontra sa Purefoods sa pag-usad ng classification round sa Cuneta Astrodome.

At sa ikalawang pagkakataon, muling nagbida si John Arigo na umiskor ng 13 sa kanyang tinapos na 20 puntos sa ikaapat na quarter nang pamunuan nito ang pag-alagwa ng Tigers sa endgame.

Ngunit hindi matatawaran ang performance ni import Anthony Johnson na tumapos ng 33-puntos, 15-rebounds at 2-assists para sa Coke na naglista ng kanilang ikalawang sunod na panalo para sa pansamantalang pamumuno.

Nabaon ng hanggang 21-puntos ang Tigers pagkatapos ng first quarter, 10-31 ngunit unti-unti silang nagbangon upang bigyan ng magandang laban ang TJ Giants na lumasap ng kanilang ikalawang sunod na talo.

Tuluyang naiselyo ng Tigers ang tagumpay matapos ang 14-2 run kabilang ang 11-0 salvo para tapusin ang laban.

Si Arigo ang tinanghal na Best Player of the Game sa kanilang 81-79 panalo laban sa Welcoat noong opening game noong Linggo sa kanyang tinapos na 18-puntos at 9-rebounds.

Isang career achievement naman ang naabot ni Ali Peek na naging ika-55th miyembro ng 5,000 points.

Natutuwa si coach Binky Favis sa dalawang panalo ng kanyang tropa ngunit pinangangambahan niyang masusustinihan nila ito.

"We’ve got to play consistently. This team can do better. We have to learn to improve even with 2-0," ani Favis.

Pinangunahan ni import Jesse King ang Purefoods sa kanyang tinapos na 34-puntos, 18 nito ay sa unang quarter lamang ngunit hindi nito nasustinihan ang kanyang pananalasa habang sumegunda naman si James Yap ng 19-puntos na nauwi lamang sa wala bunga ng kanilang kabiguan.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Red Bull at San Miguel Beer. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ALI PEEK

ANTHONY JOHNSON

BEST PLAYER OF THE GAME

BINKY FAVIS

CUNETA ASTRODOME

FIESTA CONFERENCE

JAMES YAP

JESSE KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with