^

PSN Palaro

Susmaryosep--P70M para lang sa National Basketball Team

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Headline: P70 million, gagastusin ng RP national basketball team.

Bahagi lang yan ng magagastos nila makarating lang sa Olympics.

Training, salaries, perks at marami pang iba.

At ang bawat isang PBA team daw ang magbabayad niyan.

Kaya tandaan nyo ito--sa bawat hotdog na bibilhin nyo, sa bawat text na ipapadala nyo, sa bawat beer o gin na iinumin nyo, sa bawat package na ipapadala nyo, sa bawat lagok ng paborito nyong softdrink, sa bawat gatas na iinumin nyo mula ngayon, tandaan nyo, sa bawat energy drink na iinumin nyo, nagko-contribute na kayo para sa national team na ito.

Hindi sila ang magbabayad nyang P70 million na yan, kundi kayo, tayo.

To think wala naman tayong say lahat kung paano buuin ang national team na yan.

Ilang eskuwelahan, ilang bahay, ilang day care centers ang maipapagawa mo sa P70 million na yan.

But of course our self-proclaimed "basketball messiahs" won’t care about that.

Eh ano bang paki ng milyon-milyong Pinoy kung di man tayo makarating sa Olympics?

Ilang dekada na ba tayong walang partisipasyon sa Olympics at meron bang naging diperensya sa buhay natin?

Tanong nga ni Mang Juan, magka-medalya man tayo sa Olympics, magbabago ba naman ang buhay natin?

Higit na maraming Pilipino ba ang magkakaroon ng trabaho at sasarap na bang lalo ang pagkain sa hapag -kainan ng maraming Pinoy kapag nakasali tayo sa Olympics?

Bakit ba tayo nagmamadaling makakuha ng medalya sa Olympics?

O sige, sige, kung halimbawang sige na nga, gusto na nating makarating sa Olympics, basketball ba ang iniisip nating makapagdadala sa atin dyan.

Aminin na natin, kung nagaa-ambisyon mang tayong magka-medalya sa Olympics at this point in time, hindi yan ibibigay ng basketball sa atin kundi ng ibang sports.

Nagdudumilat na katotohanan yan.

Na ewan ko kung bakit hindi makita ng mga taong nagbubulag-bulagan lang, to a point na sa pagbubula-bulagang yan, nakahanda silang gumastos ng P70 million at ngayong taon pa lang yan ha.
* * *
Tatalunin daw natin ang national team ng China sa basketball..

Headline galing sa prediksyon.

Ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha.

Yan lang ang sagot ng mga may alam sa basketball.

Isang malakas na halakhak.

Sabagay sabi nga nila, libre ang mangarap.

Libre rin naman ang matawa sa mga katawa-tawang predictions.

Libreng-libre.

BAWAT

ILANG

MANG JUAN

NYO

OLYMPICS

PINOY

YAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with