^

PSN Palaro

World Pool dito uli sa Pinas

-
Naghahanda na ang bansa para sa mas malaki at mas magandang pagtatanghal ng World Pool Championship sa November kung saan babanderahan ni defending champion Ronnie Alcano at lima pang seeded players ang 9-ball event na tatampukan ng pinakamahuhusay at maniningning na pool players sa mundo.

Nakuha ng bansa ang karapatang maghost sa taunang event, na magbibigay ng kabuuang pot money na P20M at nakatakda sa Nobyembre 3-11 matapos magpirmahan sina Harvey Davis ng ESPN-Star Sports at Raya Sports ng memorandum of agreement para sa paghohost ng bansa ng torneo sa ikalawang sunod na pagkakataon.

"We’re very excited to host this big event for the second year in a row," ani Billiards and Snookers Congress of the Philippines president Ernesto Fajardo sa media launch sa Sofitel Hotel, kahapon.

"We hope that it showcases not only the Filipinos’ talent in the sport but also the whole of the Philippines as well."

Sinabi kahapon ni Davis, ESPN-Star Sports’ senior director for events management, na inaasahan nila ang milyun-milyong manonood hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa Asia, Europe at United States ang makakapanood ng pinakamalaking billiards spectacle.

"This is the fourth time we’re showing the event to the world and second time in the Philippines. We’re happy to be back," ani Davis.

Sinabi rin ng organizers na kailangan nila ng P60-65M sa pagtatanghal ng event na susuportahan ng San Miguel Corporation.

Inihayag din ng Raya ang pagtatanghal ng BSCP National Pool championships sa Marso 26-31 bilang prelude ng World Pool tilt.

BILLIARDS AND SNOOKERS CONGRESS OF THE PHILIPPINES

ERNESTO FAJARDO

HARVEY DAVIS

NATIONAL POOL

RAYA SPORTS

RONNIE ALCANO

SAN MIGUEL CORPORATION

STAR SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with