Sa kanilang huling sparring rounds kahapon, ipinakita ng 19-anyos na si Bautista at ng 23-anyos na si Gorres ang kanilang kahandaan para sa inaabangang “Moment of Truth†sa Pebrero 24 sa Cebu City Sports Complex.
“Wala nang atrasan ito,†wika ni Bautista, ang super bantamweight sensation na sasagupa kay Feider Viloria ng Columbia. “Talagang labanan na ito pagdating sa ring.â€ÂÂ
Pag-aagawan nina Bautista, hinahangaan ni world boxing champions Bernard Hopkins at Shane Mosley, at Viloria ang World Boxing Organization (WBO) Intercontinental super bantamweight crown at ang WBO Youth super bantamweight title.
Nakatakdang dumating sa bansa si Feider, nagdadala ng 19-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 13 knockouts kumpara sa 21-0 (16 KOs) ni Bautista, bukas mula sa Amsterdam matapos maiwanan ng eroplano noong Sabado.
Katulad ni Bautista, hindi na rin makapaghintay si Gorres sa kanyang paghahamon kay WBO super flyweight champion Fernando Montiel ng Mexico.
Dadalhin ni Gorres sa ibabaw ng lona ang kanyang 26-1-1 (14 KOs), samantalang taglay naman ni Montiel ang 32-2-1 (24 KOs).
Sina Bautista at Gorres ay kapwa nanggaling sa pagsasanay sa Wildcard Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach sa Hollywood, California bago magbalik sa Pilipinas noong nakaraang linggo. (Russell Cadayona)