Binigyan nila ng buong kalayaan si Reyes na bumuo ng pambansang koponan na ipapadala sa dalawang mala-laking international tourna-ments sa taong ito.
Pagkatapos na pagkatapos ng championship series ng San Miguel Beer ni Reyes laban sa Ginebra sa kasalu-kuyang Talk N Text PBA Philippine Cup finals, babalikan na ni Reyes ang kanyang dating obligasyon.
Matatandaang si Reyes ang nangasiwa ng PBA national pool na binubuo ng mga professional at amateur players kung saan kukunin ang national team na sasabak sa iba’t ibang international tournaments.
Ito ay alinsunod sa pakikipag-kasundo ng PBA sa dating BAP association na kamakailan lamang ay ibinasura nang liga ngunit ngayon ay muli nilang binuhay matapos mabuo ang bagong samahan para sa basketball na BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas na pinamumunuan ni Manny V. Pangilinan.
Kapos na sa oras ang bansa dahil sa darating na Mayo, gaga-napin ang Southeast Asian Basketball (SEAB) Champion-ships sa Kuala Lumpur Malaysia kung saan ang magtsa-champion na koponan ay makakapasok sa FIBA-Asia Olympic qualifier sa Agosto sa Japan.
Sa FIBA Championships, may dalawang slots na paglalabanan para sa Biejing, Olympics sa China sa susunod na taon.
Malayang makakapili si Reyes ng mga coaching staff at mga players na kanyang sasanayin sa loob lamang ng tatlong buwan para sa SEABA Championships.
Ang mga mapipili ni Reyes na PBA players para sa SEABA ay hindi na palalaruin sa ikalawang kumperensiya ng PBA na Fiesta Conference na inaprobahan ng Board.
Bumuo din ang PBA ng management committee na pinangungunahan ni league chairman Ricky Vargas ng Talk ‘N Text para mangasiwa ng all-pro team ni Reyes.
Ang management committee ay binubuo nina commissioner Noli Eala, Red Bull team manager Tony Chua at isang kinatawan ng San Miguel at sila ang magde-desisyon sa budget proposal ni Reyes para sa RP teams.
Sa unang programa ni Reyes noong 2005 na may layuning makarating sa Olympics ang bansa, may budget itong P140 million. (Mae Balbuena)