Nanalo siya sa botohan ng isang selection committee na binuo para lang dito.
Ang committee na pumili ay kinabilangan ng mga ex-Cardinals na sina Alvin Patrimonio at Freddie Hubalde.
Naging matagal ang proseso sa dami ng nagbigay ng kanilang resumes sa eskuwela.
Naging matindi rin ang labanan dahil sa naging qualified naman halos yung nasa short list ng committee.
Dating player ng Mapua si Isaac.
Dati siyang naglaro sa 1980 champion team ng Mapua sa NCAA nung panahon pa ni Coach Charlie Badion.
Kasama sa naging teammate noon ni Leo Isaac sa MIT champion team si Coach Junel Baculi.
Ibig sabihin lang niyan, puwede nang magtrabaho muli si Isaac at magbuo na ng team para sa 2007 NCAA season.
Medyo late na pero sabi ni Leo, kakayanin pa naman.
Mula diyan, malapit na ang lifting ng suspension natin sa FIBA at makakabuo na muli tayo ng national team.
Tinupad ni Go Teng Kok ang sinabi niya na kapag nabuo na ang BAP-SBP ay aalis na siya sa pagka-presidente.
Pero sana, kahit na nagkaganun, ibalik na rin siyang presidente at panatilihin na muna siya diyan.
It was truly a great day in basketball at umaasa kami na sana, simula lang ito at hindi magtatapos dyan.
Sana naman ay taos sa puso ang ginawa ng lahat ng umattend sa unity congress na yan.
Sana ay hindi lang nagplastikan ang mga opisyales sa harap ng taga-FIBA.
Sana nga ay magtuloy-tuloy ang unity na ito at tuluyan na ngang maibalik ang glorya ng Pilipinas sa basketball.
Unti-unti, dahan-dahan.
Agad-agad, may naba-basa na tayong mga re-leases na okay na tayo sa Olympics.
Agad-agad, may kung anu-ano agad na planong pagbuo ng national team.
Susmaryosep.
Ang dami agad na pumapapel.
Nagsisipag-epal na naman agad.
Hayaan na muna natin yung mga bagong hirang na opisyales na magbuo nang sarili nilang plano.
Huwag na muna nating pangunahan.
As if we hoped for the unity congress just to be able to make it to the Olym-pics in time.
Let them get down to business and carefully study kung ano ang root cause ng lahat nang nangyayaring ito sa Philippine basketball.
We should not be in a rush. Why the rush in the first place?
Hindi ang mga pro-fessional basketball players natin ang long-term solution sa problema ng amateur basketball sa ating bansa.
Hinding-hindi yan ang solusyon.