Panawagan para sa Unity congress ng RP basketball
January 15, 2007 | 12:00am
Para sa layuning magkaroon ng reconciliation, magsasagawa ng unity congress Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. sa Pebrero 5 sa Dusit Hotel Nikko sa Ayala Avenue sa Makati.
Ang registration ay magsisimula sa alas-10:00 ng umaga at hinihikayat ang lahat ng mga bonafide members ng Basketball Association of the Philippines at Pilipinas Basketball.
Ayon kay lawyer Marievic Ramos-Añonuevo, SBP acting corporate secretary, ang main agenda ay pakinggan ang report ng three-man SBP panel ukol sa pagkilala sa mga BAP at PB members na binigyan ng probationary status, organizational meeting ng board of trustees, at kung ano pang iba pang maaring pag-usapan sa congress.
Ang three-man panel ay pinamumunuan ni businessman-sportsman Manny V. Pangilinan, owner ng Philippine Basketball Association Talk N Text Phone Pals, na naglalayong maabot ang lahat ng members ng basketball community upang mapabilis ang pagbabalik ng bansa sa international scene bunga ng dalawang taon nang umiiral na suspensiyon ng bansa ng International Basketball Federation o FIBA.
Nagkaroon ng pag-asang maaayos ang gulo sa Philippine basketball dahil sa dami ng dumalo sa media conference sa Makati Shangrila last week.
Kasama ni Pangilinan sa discussion sina Junjun Capistrano ng PB na pumalit sa nagresign na si Bernie Atienza, at dating BAP president Sen. Jinggoy Estrada na iginiit ang kanyang pagsuporta sa SBP.
Ayon kay Pangilinan, sa kanyang huling pakikipag-usap kay Philippine Olympic Committee president Jose Peping Cojuangco, malapit nang marecognize ang SBP sa POC family. (MBalbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended