NBL Colleges Challenge balik-aksiyon

Magbabalik ang National Basketball League (NBL) Colleges Challenge tournament sa Enero 10 kung saan binabanderahan ng San Sebastian College ang eight-team cast sa home-and-away compe-tition format.

Ang mga panguna-hing team na magta-tapos sa NBL ay bibig-yan ng awtomatikong slot sa National Students Basketball Champion-ship na nakatakda sa Feb. 27-March 5 sa Dumaguete City batay sa isinaayos ni host Gov. George P. Arnaiz ng Negros Oriental Pro-vince.

Pumayag si Gov. Arnaiz na imbitahan ang NBL champion bilang guest team sa naturang cagefest, na inindorso din ni Federation of School Sports Associations of the Philippines (FESSAP) president Tisha Abundo.

Ang iba pang kalahok na koponan sa torneong suportado ng YKL Color Films, Burlington Socks, Super Drink Ice Tea at Orange Juices, Healthy Options ay ang University of Perpetual Help, New Era University, Philippine College of Criminology at St. Jude College.

Show comments