May isang PBA team ang malamang magdisband
December 20, 2006 | 12:00am
Heto ang tiyak na mangyayari at huwag nyong sabihin na hindi ko ito sinabi sa inyo.
Sa mga susunod na araw, dalawa lang ang puwedeng mangyari sa isang PBA team.
Either ma-disband na ang PBA team na ito pag natuloy ang pagbenta niya sa ibang kumpanya, o kung hindi naman ma-disband, tiyak na papalitan ang buong coaching staff.
Abangan ang susunod na kabanata.
Nabigyan na ng karampatang financial rewards ang mga atletang nanalo sa Asian Games.
Masayang-masaya ang Pasko nila tiyak dahil P13.5M lahat ang naipamahagi ng gobyerno at si Pres. Gloria Arroyo mismo ang nagbigay sa kanila ng tseke nila.
Naway magbigay ng malaking inspirasyon ang ganito para sa mga athletes natin para naman mas malayo pa ang mararating nila sa mga susunod na Asian Games.
Dapat nga bang palitan si PSC Chairman William Ramirez kahit na nagbigay na siya ng pahayag na gusto na niyang bumalik sa private life niya ?
Palagay ko, hindi dapat.
Huwag na muna ngayon.
Huwag sanang pumayag si PGMA na pakawalan si Chairman Ramirez.
Isang malaking simbolo ng pagpupunyagi at panana-gumpay sa paglaban sa kahirapan ng buhay.
Yan ang nakita namin matapos na ipakita sa buong mundo ang bagong mansion ni Manny Pacquiao sa General Santos City.
Isang bahay at magandang buhay na naging katas ng kamao na nagdala ng malaking karangalan para sa bansang Pilipinas.
Pag maaalala mo ang mapait na buhay ni Manny noon na pinasukan na halos lahat ng klaseng mahihirap na trabaho upang patuloy lang na maitawid ang gutom, ay mamamangha ka sa kahiwagaan talaga ng buhay.
Minsan nasa ilalim ka, pero kapag umangat naman, ang sarap kapag nasa ibabaw ka na.
Si Manny Pacquiao ay mananatiling inspirasyon sa mga naghihikahos sa buhay na oo nga, may pag-asa ang bawat isa sa atin na makamit ang anumang nais natin sa buhay.
Hanggang may sipag at tiyaga, at paniniwala sa Diyos.
At habang may buhay.
May mga nagtatanong sa aminsino raw ba yung isinulat namin dito sa aming column patungkol sa isang ina ng PBA player na napaiyak nung sorpresahin siya ng kanyang anak sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng isang bagong house and lot kamakailan lang.
Siyay isang napakabait na bata.
Isa sa mga pinakamabait sa PBA.
Si Mark Pingris.
Sa mga susunod na araw, dalawa lang ang puwedeng mangyari sa isang PBA team.
Either ma-disband na ang PBA team na ito pag natuloy ang pagbenta niya sa ibang kumpanya, o kung hindi naman ma-disband, tiyak na papalitan ang buong coaching staff.
Abangan ang susunod na kabanata.
Masayang-masaya ang Pasko nila tiyak dahil P13.5M lahat ang naipamahagi ng gobyerno at si Pres. Gloria Arroyo mismo ang nagbigay sa kanila ng tseke nila.
Naway magbigay ng malaking inspirasyon ang ganito para sa mga athletes natin para naman mas malayo pa ang mararating nila sa mga susunod na Asian Games.
Palagay ko, hindi dapat.
Huwag na muna ngayon.
Huwag sanang pumayag si PGMA na pakawalan si Chairman Ramirez.
Yan ang nakita namin matapos na ipakita sa buong mundo ang bagong mansion ni Manny Pacquiao sa General Santos City.
Isang bahay at magandang buhay na naging katas ng kamao na nagdala ng malaking karangalan para sa bansang Pilipinas.
Pag maaalala mo ang mapait na buhay ni Manny noon na pinasukan na halos lahat ng klaseng mahihirap na trabaho upang patuloy lang na maitawid ang gutom, ay mamamangha ka sa kahiwagaan talaga ng buhay.
Minsan nasa ilalim ka, pero kapag umangat naman, ang sarap kapag nasa ibabaw ka na.
Si Manny Pacquiao ay mananatiling inspirasyon sa mga naghihikahos sa buhay na oo nga, may pag-asa ang bawat isa sa atin na makamit ang anumang nais natin sa buhay.
Hanggang may sipag at tiyaga, at paniniwala sa Diyos.
At habang may buhay.
Siyay isang napakabait na bata.
Isa sa mga pinakamabait sa PBA.
Si Mark Pingris.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended