^

PSN Palaro

Mahalaga ang papel ni Seigle sa SMBeer

-
Ang pursigidong pag-hahanda ni Danny Seigle, ng kanyang koponan at ng San Miguel Beer ay nag-bunga na ng maganda.

Dahil sa sunud-sunod na paputok ng tinatawag na ‘Dynamite Danny’ nasa six-game winning treak Beer-men na sumiguro sa kanila ng playoff para sa huling awtomatikong semifinal slot na ipagkakaloob sa top two teams pagkatapos ng clas-sification round ng Talk N Text PBA Philippine Cup.

Tampok ang 97-85 pa-nalo laban sa Welcoat ka-sunod ang 114-102 pagde-demolisa sa Talk N Text ang siyang nagsulong sa SMBeer sa 12-5 win-loss slate sa likod ng nangungu-nang sister team nilang Barangay Ginebra na may 12-4 kartada.

Nasa tamang daan na ang Beermen para makopo ang outright semis at kung makukuha nila ito ay may pagkakataon silang maka-pagpahinga.

At si Seigle ang pinaka-malaking dahilan para ma-abot ng Beermen ang kina-lalagyan nila ngayon kaya naman siya ang napiling PBA Press Corps’ Accel-TNT Player of the Week pa-ra sa linggong Dec. 11-17.

Ito ang ikalawang pag-kakataong iginawad sa 30-gulang na forward, na nau-na nang nakihatid para sa naturang award kay Gary David ng Air21 noong Oct. 16-22 span.

Sinabi ni Coach Chot Reyes na ang puspusang paghahanda ni Seigle bago magsimula ang season na naging dahilan para sa ma-gandang performance ng 6-foot-6 player na ito.

"Before the season star-ted, we wanted him to be in the best shape he could possibly be," ani Reyes, ukol sa 1999 Rookie of the Year na pinutakti ng injuries sa mga nakaraang season.

"He readily applied him-self to the task with a very single-minded determina-tion, he worked hard and his game today only reflects his commitment to his condi-tioning," dagdag ni Reyes.

Tumapos ang Philip-pine Cup Best Player of the Conference noong nakara-ang taon ng 28 points sa 8-of-12 field goal shooting, three rebounds at assist la-ban sa Welcoat noong Miyerkules. Ang 19-puntos nito ay sa first half na nag-layo sa Beermen.

Bumawi naman si Sei-gle sa kanyang dalawang puntos na produksiyon sa unang quarter upang bu-hatin ang Beermen sa laban sa bigating Phone Pals.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

COACH CHOT REYES

CUP BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

DANNY SEIGLE

DYNAMITE DANNY

GARY DAVID

PHILIPPINE CUP

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with