May angkop na parangal para sa Asiad heroes
December 19, 2006 | 12:00am
Kumpara kina professional boxers Manny Pacquiao at Rey Boom Boom Bautista, walang mangyayaring mo-torcade para sa mga national athletes na nag-uwi ng 4 gold, 6 silver at 9 bronze medals mula sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Ayon kay Philippine Sports Com-mission (PSC) chairman William "Butch" Ramirez, ito ay dahilan na rin ng kakapusan pa rin nila sa pondo.
Sa halip na magarbong motorcade na inihanda ng Manila City at General Santos City kay Pacquiao at ng Tagbi-laran City kay Bautista, isang simpleng misa lamang ngayong umaga ang inihanda ng PSC sa mga atleta bago magtungo sa Malacanang para tang-gapin ang kanilang mga insentibo.
"There will be an appropriate re-cognition sa kanila pero hindi pa namin naiisip na iparada sila sa buong Metro Manila," wika kahapon ni Ramirez.
Ang naturang kampanya ng Team Philippines ay mas maganda kumpa-ra noong 2002 sa Busan, Korea kung saan humugot ang mga atleta ng 3 gold, 7 silver at 16 bronze medals.
"We usually have a simple cere-mony for the athletes with the collabo-ration of the POC. A holy mass is more fitting than a motorcade in our situation right now," dagdag ni Ramirez.
Sa kanilang pagsikwat sa apat na gintong medalya, tatanggap sina bil-liards master Antonio Gabica, wushu artist Rene Catalan at amateur boxers Violito Payla at Joan Tipon ng tig-P1.5 milyon bilang insentibo
Ang P1 milyon ay nakasaad sa In-centive Act kung saan ito ay nakalaan para sa kukuha ng gold medal sa Asian Games, samantalang P500,000 at P100,000 naman sa silver at bronze.
Maliban rito, iniutos rin ni Pangu-long Gloria Macapagal-Arroyo sa Phi-lippine Amusement and Gaming Cor-poration ang pagpapalabas ng P.5 milyon, P300,000 at P200,000 para sa gold, silver at bronze medalists.
Ang 6 silvers ay nanggaling kina Gabica at Jeffrey De Luna, taekwondo jins Maria Antonette Rivero at Tshom-lee Go, wushu expert Edward Fola-yang at karateka Marna Pabillore, habang ang 9 bronzes ay mula kina netters Cecil Mamiit at Eric Taino, tae-kwondo jins Veronica Domingo, Eu-nice Allora at Manuel Rivero, Jr., boxers Godfrey Castro at Genebert Basad-re, wuhsu artist Noel Espinosa at golfer Michael Bibat.(R. Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended