^

PSN Palaro

2 silvers, 3-bronzes hatid ng taekwondo

-
DOHA -- Dalawang silver at tatlong bronze! Hindi na masama!

Ito ang kabuuang performance ng Philippine taekwondo jins sa 15th Asian Games na ginaganap dito sa mayamang bansa ng Qatar.

At kung medalya ang pag-uusapan, ang Pinoy jins ang kasalukuyang pinakamaraming medalyang nai-hahandog sa bansa sapul nang opisyal na makabi-lang ang taekwondo sa 1986 Asian Games sa Seoul, ang bansang pinanggalingan ng naturang sport.

Dito sa Doha Games, dalawang silver mula kina Marie Antoinette Rivero at Tshomlee Go ang nasungkit ng bansa makaraang maka-usad sila sa finals.

Napasabak laban sa bigatin ng larong ito si Rivero nang makaharap niya ang South Korean na si Kyung Seon Hwang at yumuko dito sa iskor na 6-1 para makuntento sa silver.

Si Hwang ang tumalo kay Rivero sa Athens Olym-pics, noong ang Pinay ay 16 anyos pa lamang at bumigo ditong makapasok sa quarterfinals.

"I tried my best. She’s tall. I tried to outdo her but her height advantage, experience and reach carried her through most of the fight," wika ng 18 anyos na si Rivero, na hindi ininda ang anumang injury na kanyang nararamdaman para lamang maging matagumpay sa kanyang kampanya. "I’m honored that I had the chance for the gold. But I didn’t get it. "

Isang Koreano din ang naging hadlang sa landas ni Go upang masungkit ang gintong medalya.

Makaraang malusutan ang mahigpit na hamon ng Taiwanese na si Tai Yuan Su, 2-1 sa semis ng 62 kgs. Hindi umubra ang pagka-agresibo ni Go sa malakas na Korean na si Ju Young Kim at igupo ito 4-1 para sa gintong medalya.

"I’m happy with the silver, even though I could have had the gold," wika ni Go na huling torneo niya ito para sa taong ito at maghahanda na naman ng training para sa qualifiers at para sa Beijing Olympics sa 2008.

Bukod sa silvers nina Rivero at Go, nag-ambag naman ng bronze medals sina Kathleen Eunice Alora at Veronica Domingo at Manuel Rivero Jr.(DMV)

ASIAN GAMES

ATHENS OLYM

BEIJING OLYMPICS

BUT I

DOHA GAMES

ISANG KOREANO

JU YOUNG KIM

KATHLEEN EUNICE ALORA

KYUNG SEON HWANG

RIVERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with