^

PSN Palaro

Air21 nagkaroon ng pag-asa

-
 Isang depensa sa huling 3.7 segundo ang nagpalakas sa pag-asa ng Air 21 na makakuha ng quarterfinals ticket.

Ang naturang huling defensive stop ng Express ang nagbunga ng kanilang 92-89 tagumpay laban sa dating rumaragasang Red Bull Barakos sa classification phase ng PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kumolekta si 6-foot-9 Yancy De Ocampo ng 20 marka, 10 boards at 2 shotblocks upang tulungan ang Air 21 sa pagtatayo ng 7-8 kartada kasabay ng pagpigil sa two-game winning streak ng Red Bull para sa 10-6 baraha nito.

"I just told them to match the intensity of Red Bull," wika ni coach Bo Perasol sa kanyang Express na naglista ng 92-81 bentahe sa huling 1:45 ng final canto bago naputol ng Bulls sa 89-92 sa nalalabing 1:08 nito.

Nagkaroon pa ng tsansa ang Bulls, muling giniyahan ni assistant coach Gee Abanilla sa ikalawang pagkakataon para sa naiwang trabaho ni head coach Yeng Guiao na napatawan ng two-game suspension mula sa kanilang upakan ni Talk ‘N Text team manager Frankie Lim noong Huwebes sa Tacloban City, na makatabla sa huling 10 segundo kundi sa passing error ni Larry Fonacier, 3.7 tikada na lang.(RC)

ANTIPOLO CITY

BO PERASOL

FRANKIE LIM

GEE ABANILLA

LARRY FONACIER

N TEXT

PHILIPPINE CUP

RED BULL

RED BULL BARAKOS

TACLOBAN CITY

YANCY DE OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with