^

PSN Palaro

Pakondisyon lang muna ang mga Pinoy riders

-
DOHA — Sa Biyernes pa magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pinoy road cyclist na masubukan ang kondisyon ng kalye nang makansela kahapon ang kanilang training bilang pagbibigay daan sa opening ceremonies ng 15th Asian Games sa Khalifa Stadium.

Papadyak ang mga siklista na babanderahan ni two-time champion Warren Davadilla at Ericson Obosa sa paghamon ng mga Pinoy riders sa mga regional riders sa men’s individual road race.

"Now, it’s all mental," ani head coach Jomel Lorenzo. "The cyclists trained all year for this and it comes to this, the Asian Games. And the boys know very well that they don’t get a second chance in these races so they are all expected to go all out."

Ang individual road event, nakatakda sa ganap alas-11:30 ng umaga (4:40 sa Manila), ay maggigitgitan sa kalye sa may 43.3 km circuit sa Al-Khor road course. Kakarera ang mga siklista ng apat na laps sa kabuuang 199.7 kms.

Dumating noong Huwebes ang anim-kataong road team na sina Davadilla, Obosa at tour champions Arnel Quirimit, Santy Barnachea, John Ricafort at nag-iisang babaeng rider na si Baby Marites Bitbit.

May kabuuang limang gintong medalya ang nakataya sa road race kung saan pinapaboran ang mga siklista mula sa Iran, China, Japan at Korea.

Magpapahinga ang cycling ng dalawang araw at magbabalik sa track events sa Disyembre 9 kung saan kakampanya naman sa track races sina Catalan, Paterno Curtan Jr., Arnold Marcelo, Paulo Manapul at Carlo Jasul.

Sa December 4, sasabak si Bitbit sa 113.1-km women’s individual road race (12:30 p.m. Doha , 5:30 p.m. sa Manila ). Sa susunod na araw, kakarera naman si Bitbit, sa 23.86-km individual time trial (ITT) sa 12:30 p.m., Doha time. Sasabak naman si Quirimit sa men’s 48.86-km ITT simula alas-2:30 ng hapon. (Doha time).(DMVillena)

vuukle comment

ARNEL QUIRIMIT

ARNOLD MARCELO

ASIAN GAMES

BABY MARITES BITBIT

BITBIT

CARLO JASUL

DOHA

ERICSON OBOSA

JOHN RICAFORT

JOMEL LORENZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with