Haharapin ngayon ang rookie team na Dragons sa alas-7:20 ng gabing sagupaan pagkatapos ng pambungad na laban sa pagitan ng Air21 at Coca-Cola.
"Although we lost two straight games, we are still upbeat about our situation. All we have to do is re-group knowing our fate is still in our hands. Anything can happen in the next five games," pahayag ni Purefoods coach Ryan Gregorio.
Kasalo ng Purefoods ang Talk N Text sa 7-6 kartada sa likod ng co-leader na Barangay Gi-nebra at Sta. Lucia na tabla sa 9-4 record ka-sunod ang Red Bull at San Miguel na magkasalo sa 8-5 kartada.
Ayon kay Gregorio, kayang kaya pa nilang abutin ang top-two spots na mabibiyayaan ng awtomatikong semifinal slots.
"Yes, I think landing in the top two is still within reach. But we need to work together to get back on track," ani Gregorio na malaki ang pasasalamat sa kanilang limang araw na pahinga matapos matalo sa San Miguel, 81-100 noong Sabado.
Tinalo ng Purefoods ang Welcoat sa kanilang unang pagkikita noong Nov. 12, 86-84.
Kasalukuyang magka-salo sa kulelat na puwesto ang Tigers at Dragons bunga ng 4-10 record. Galing sa apat na sunod na talo ang Welcoat at nasa three game losing skid naman ang Coke.
Hangad namang ma-kakalas ng Express sa pakikipagtabla sa 5-7 kartada sa Alaska.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang Phone Pals at ang Red Bull sa Tacloban City.