2 PBL games kinansela

Dahil sa bagyong Re-ming, nagdesisyon ang pa-munuan ng Philippine Bas-ketball League na kanselahin ang dalawang larong naka-takda ngayon sa San Beda Gym para sa kasalukuyang PBL Silver Cup.

Dahil sinuspindi ang mga klase ngayon sa lahat ng antas, minabuti ni PBL Com-missioner Chino Trinidad na kanselahin ang laban ng Cebuana Lhuillie Pera Pada-la at Harbour Centre gayun-din ang laban ng Toyota Otis at ng Magnolia Ice Cream.

Wala pang schedule kung kailan lalaruin ang dala-wang games na ito.

Magpapatuloy ang laban sa Sabado kung saan maka-kaharap ng Moneymen ang TeleTech habang ang Hen-kel-Sista at Mail @ More na-man ang maglalaban sa isa pang laro. (MBalbuena)

Show comments