Malaking pagbubunyi sa pagdating ni Manny!

Isang matingkad at mahabang araw ang inaasahang dadaanan ni Filipino boxing hero Man-ny Pacquiao sa kanyang pagdating ngayong uma-ga mula sa Los Angeles, California. 

Sa kanyang pagbaba pa lamang mula sa Ninoy Aquino International Air-port (NAIA) ay dudumugin na ang 27-anyos na si Pacquiao ng kanyang mga tagasuporta at kaibi-gan bago tumuloy sa Manila Hotel para maka-pagpahinga. 

Eksaktong alas-11 ng umaga magtutungo ang grupo sa Quiapo Church para sa isang misa na pa-mumunuan ni Monsignor Josphino Ramirez bago dumiretso sa Manila City Hall para sa kanyang Grand Welcome. 

Makaraan ang natu-rang okasyon, pupunta naman si Pacquiao sa Malacañang para sa isang courtesy call kay Pangulong Gloria Maca-pagal-Arroyo. 

Matatandaang sa tu-wing mananalo sa kan-yang laban ang tubong General Santos City ay palagian na siyang iniim-bita sa Palasyo ng Pangu-lo para sa isang presen-tasyon. 

Matapos ang isa hang-gang dalawang oras sa Malacañang ay susuyurin naman ni Pacquiao ang ilang lugar sa Maynila pa-ra sa kanyang motorcade kung saan siya inaasa-hang muling sasakay sa pulang civilian humvee ni Presidential Assistant on Youth and Sports chair-man Ali Atienza.

 Muling magbabalik sa Manila Hotel si Pacquiao para makapagpahinga bago magtungo sa Raja Sulayman Park sa ganap na alas-7 ng gabi para sa isang street party na inihanda ng Solar Sports. 

Isang motorcade rin ang inihanda ng General Santos City para sa pag-uwi ni Pac-quiao kung saan limang barangay, kabilang ang kan-yang pinagmulang Barangay Labangan, ang kanyang dadayuhin. (R. Cadayona)   

Show comments