Ikinamada ni Pennisi ang lahat ng kanyang 16-puntos sa ikatlong quarter lamang na nagbigay sa Bulls ng 72-49 kalamangan papasok sa final canto para maging magaan ang kanilang ikapitong panalo sa 11 laro na nag-ahon sa kanila sa dalawang sunod na talo at makisalo sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto sa Barangay Ginebra at defending champion Purefoods Chunkee sa likod ng nangungunang Sta. Lucia na may 8-3 kartada.
Nalasap naman ng Tigers ang ikaapat na sunod na kabiguan na nagbagsak sa kanila sa pakikisosyo sa kulelat na posisyon sa Welcoat sa 3-8 record.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang San Miguel (6-4) at Talk N Text (5-5). (M.Balbuena)