^

PSN Palaro

Red Bull nakabangon

-
Pumutok sa ikatlong quarter si Mick Pennisi na nagdistansiya sa Red Bull tungo sa 95-67 panalo laban sa Coca-Cola sa pag-usad ng eliminations ng Talk N Text-PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Ikinamada ni Pennisi ang lahat ng kanyang 16-puntos sa ikatlong quarter lamang na nagbigay sa Bulls ng 72-49 kalamangan papasok sa final canto para maging magaan ang kanilang ikapitong panalo sa 11 laro na nag-ahon sa kanila sa dalawang sunod na talo at makisalo sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto sa Barangay Ginebra at defending champion Purefoods Chunkee sa likod ng nangungunang Sta. Lucia na may 8-3 kartada.

Nalasap naman ng Tigers ang ikaapat na sunod na kabiguan na nagbagsak sa kanila sa pakikisosyo sa kulelat na posisyon sa Welcoat sa 3-8 record.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang San Miguel (6-4) at Talk N Text (5-5). (M.Balbuena)

ARANETA COLISEUM

BALBUENA

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA

HABANG

MICK PENNISI

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS CHUNKEE

RED BULL

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with