^

PSN Palaro

Dasal ang pabaon ni Aling Dionesia kay Pacman

-
Kagaya ng mga nakaraang laban ni Manny Pacquiao, isang maigting na pagdarasal ang muling gagawin ng ina nitong si Aling Dionesia sa kanilang tahanan sa General Santos City.

"Magdadasal lang ako sa isang kuwarto para sa panalo ni Manny," sambit ni Aling Dionesia, hindi nanonood ng mga laban ni Pacquiao dahil sa nerbiyos.

Ayon kay Aling Dionesia, magpupunta lamang siya sa Maynila pagkatapos ng laban ni Pacquiao kay Mexican legend Erik Morales.

"Siguro after the fight na ako pupunta sa Manila para salubungin si Manny sa airport pag-uwi niya," wika ni Aling Dionesia. "Tiwala ako na mananalo si Manny. Talagang nararamdaman ko."

Bukod kay Aling Dionesia, hihintayin rin ng tatlong anak ni Pacquiao ang kanyang pagdating sa bansa.

Ang asawa ni Pac-quiao na si Jinky ay nagtungo na kamakailan sa Las Vegas, Nevada upang makasama si Pacquiao matapos ang ilang buwang pagkakawalay.

Ang naturang ilang buwang pagkakahiwalay ay resulta ng panganganak ni Jinky kay Mary Divine Grace sa General Santos City.

Nakatakda namang magtungo ngayong araw na ito sa Maynila ang ama ni Pacquiao na si Mang Rosario upang manood ng laban sa isang sinehan. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ALING DIONESIA

ERIK MORALES

GENERAL SANTOS CITY

JINKY

LAS VEGAS

MANG ROSARIO

MARY DIVINE GRACE

MAYNILA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with