Muros-Posadas may ibubuga pa
November 18, 2006 | 12:00am
Kalabaw lamang ang tumatanda para kay dating long jump queen Elma Muros-Posadas.
Pinatunayan ito ng 39-anyos na si Muros nang kolektahin ang kanyang pangalawang gintong medalya sa 2006 Asian Masters Athletics Championships sa India kahapon.
Naglista si Muros ng tiyempong 15.3 segundo sa women's 100-meter hurdles para talunin ang kanyang mga karibal mula sa Sri Lanka at India.
"Medyo masakit 'yung hamstring ko, kaya hindi ko pa alam kung magiging maganda ang performance ko sa sasalihan kong long jump event ngayong araw," sabi ni Muros, kinilalang "Long Jump Queen" sa Southeast Asian Games.
Nauna rito, nagposte muna si Muros ng bilis na 12.0 segundo sa 100m run noong Huwebes matapos biguin ang kanyang mga kalaban buhat sa Japan at India para sa una niyang gintong medalya sa naturang kompetisyon.
Bukod kay Muros, dalawang ginto rin ang nasikwat ni thrower Erlinda Lavandia sa women's discuss throw (27.86m) at javelin throw (37.10m) sa 50-55 years old bracket.
Puntirya nina Muros at Lavandia, kasama si Emerson Obiena, na makapag-uwi ng anim hanggang walong gintong medalya matapos kumuha ng 13 noong 2004 sa Thailand. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended