High hopes kasi ang pamunuan at coaching staff ng Talk N Text sa kanilang team. At pakiramdam din ng mga sumusubaybay sa Talk N Text-PBA Philippine Cup ay isa ang Phone Pals sa teams to beat sa torneo. Katunayan, may nagsasabing mas malakas nga ang Talk N Text kaysa sa Barangay Ginebra na siyang pre-tournament favorite.
Kasi ngay intact ang line-up ng Talk N Text. Noong nakaraang season pa nagsimula ang build-up ng Phone Pals. Nagkaroon ng pagpapalit sa coaching staff at pagkuha ng ilang superstars gaya nina Ren-ren Ritualo at Don Carlos Allado sa pamamagitan ng trades.
Matapos ang nakadidismayang season, halos hindi nagpahinga ang Phone Pals. Sabak kaagad sila sa ensayot paghahanda para sa kasalukuyang conference. Pumunta sila sa ibang bansa para mag-team building at lumahok sa mga summer leagues doon.
Buong-buo ang kanilang konsentrasyon at determinasyong makabawi at maipakitang malayo ang kanilang mararating.
Well, sinimulan nga nila ang kasalukuyang torneo sa pamamagitan ng panalo kontra Purefoods Chunkee Corned Beef (108-99), Alaska Aces (97-93) at baguhang Welcoat Dragons (115-99).
Pagkatapos nga ng panalo kontra Purefoods, sinabi ni coach Derick Pumaren magandang panimula iyon dahil kailangan nilang magwagi sa unang game nila upang ma-reinforce sa kanilang sarili na handa na nga sila!
Pero napatid ang kanilang three-game winning streak nang hiyain sila ng Air 21 Express, 127-110 noong Oktubre 18.
Nakabangon sila sa pagkatalong iyon nang gantihan nila ang Coca-Cola, 78-71 makalipas ang dalawang araw.
Subalit pansamantala lang pala ang pagdiriwang na madarama nila dahil sa kanilang sumunod na game ay niresbakan sila ng Purefoods sa pamamagitan ng 109-103 triple overtime victory noong Miyerkules.
Siyempre, marami ang nagpalagay napagod nang husto ang Talk N Text sa larong iyon at baka madehado sila kontra Sta. Lucia noong Sabado at iyon ang dahilan ng kanilang pagkatalo. Pero napagod din naman ang Giants, di ba? Subalit nagwagi pa rin ang Purefoods kontra Alaska Aces noong Biyernes.
So, hindi fatigue factor ang dahilan!
Ano kaya?