^

PSN Palaro

Pacman may bagong inspirasyon

-
Habang abala sa kanyang pag-eensayo si Filipino boxing idol Manny Pacquiao sa Wildcard Gym sa Hollywood, California, isang bagong inspirasyon ang isinilang noong Linggo sa General Santos City.

Isinilang ni Jinky ang ikatlong anak nila ni Pacquiao na si Mary Divine Grace ganap na alas-4:31 ng hapon sa General Santos Doctors Hospital.

Si Mary Divine Grace ay may sukat na 51 centimeters at tumimbang ng 7.4 lbs, ayon kay Jinky para sa unang baby girl nila ng 27-anyos na si Pacquiao.

Kasalukuyang pinaghahandaan ni Pacquiao ang kanilang "Grand Finale" ni Mexican legend Erik Morales sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Ang pagkakasilang kay Mary Divine Grace ang inaasahang magbibigay ng kaligayahan kay Pacquiao sa gitna ng kinaka-harap nitong mga kontrobersya ukol sa kontrata.

Inihayag ni Filipino promoter Rex "Wakee’ Salud natiyak na magsasampa si Top Rank Promotions president Bob Arum ng demanda laban kay Pacquiao at kay American trainer Freddie Roach hinggil sa pagpirma nito ng isang seven-fight contract sa Golden Boy Promotions niOscar Dela Hoya.

Nakasaad sa kontrata ni Pacquiao kay Arum na wala itong pipirmahang ibang kontrata hanggang hindi natatapos ang kanilang upakan ni Morales.

Si Morales ay nasa ilalim ng kampo ni Arum, kilalang karibal ni Dela Hoya sa boxing promotions. (Russell Cadayona)

vuukle comment

BOB ARUM

DELA HOYA

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS DOCTORS HOSPITAL

GOLDEN BOY PROMOTIONS

GRAND FINALE

JINKY

MARY DIVINE GRACE

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with