Bata paano mo ginawa?
September 12, 2006 | 12:00am
Higit na nagpamalas ng katatagan si Efren "Bata" Reyes kaysa sa kalabang si Rodney Morris sa isang pressured-packed at error-filled finale ng International Pool Tours World Open 8-Ball Championship, at hatakin ang 8-6 panalo para mapagwagian ang pinakamalaking premyo na tumataginting na $500,000 (P25M) sa Grand Sierra Resort and Casino sa Reno, Nevada noong Linggo (Lunes sa Manila).
Sinaliwan ng controversial na foul shot sa 11th rack at sumandal sa ikatlong scratch ni Morris sa break sa 13th, naabot ni Reyes ang, 7-6 na kinapitan pa ng lucky break sa sumunod na tira makaraang bumangga ang 15 ball sa blue 2 at deretsong gumulong sa corner pocket.
Isang mapanganib na karambola ang tinumbok ni Reyes sa green 6 na bihirang gawin ng Pinoy legend bago wakasan ang laban at magbulsa ng $.5M premyo.
"I missed two eight balls, I think, but they were both corner pockets. It made me feel nervous -- when Im shooting that, Im shaking a little bit. Thats why I missed those two eights," wika ni Reyes.
Ngunit sa kabuuan si Morris ang sumemplang.
"Di ko rin talaga malaman kung bakit ako ang nanalo dito," ani pa ni Reyes sa isang TV interview, na pakumbabang sinabing hindi naman siya ang best of the best sa world pool.
Gayunpaman, pinasalamatan ni Reyes ang kanyang mga Filipino fans sa kanilang dasal at suporta at binanggit ding suwerte sa kanya ang kanyang bagong silang na apo.
"Ito na siguro ang pinakamalaking panalo ko. Pero nais ko rin batiin ang pamilya ko, lalo na yung manugang ko na kapapanganak lang. Yun apo ko ang nagdala ng swerte sa akin," wika ni Reyes.
Ang tagumpay ay kasunod lamang ng panalo ni Filipino bowler Biboy Rivera na sinunog naman ang lanes sa Busan, South Korea makaraang magrolyo ng perfect 300 sa final match at iuwi ang Masters crown sa World Mens Championship.
Sa katunayan, hindi naman perpekto ang pag-dispatsa ni Reyes kay Morris dahil puno ng kamalian ang kanilang finale na sinamahan ng 10 dry breaks at wala man lang sa dalawang manlalaro ang nakakuha ng momentum. May bahagi lang na kinakitaan si Morris ng pagkatakot sa kanyang kalaban.
Ang kanyang dating maaasahang break ay hindi nakaporma nang kinailangan niya at tatlong beses pa itong na-scratch na nagbigay ng magaan na run outs kay Reyes.
Sa isa pang crucial na bahagi ng laban, nang magsafety si Morris. Tinangka nitong itago ang nalalabing bola ang black 8 ngunit may maliit na puwang na nagbigay daan sa Pinoy na tinguriang "The Magician" na magamit ang kanyang mahika.
Nagawa naman ito ni Reyes ngunit tinawagan ito ni referee Ken Schuman ng foul na nagbigay ng break kay Morris. Gayunpaman, walang nagawa si Morris dahil kasunod nito ang kanyang ikatlong scratch. Nakuntento na lamang ito sa premyong $150,000.
Nang tanungin kung ano ang plano ng Pinoy sa kanyang tumataginting na premyo, ang sagot ni Reyes ay "My children need to remodel their house."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest