^

PSN Palaro

Pinoy cue artists matatag pa rin

-
Magbabalik ang kampanya ng mga Pinoy cue masters para sa pangunahing $500,000 premyo (P25Million) sa IPT World Open 8-ball Championship sa pagtumbok ng ikalawang round sa Grand Sierra Resort and Casino sa Reno, Nevada sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Umusad sa susunod na round sina Ramil Gallego, Antonio Lining at US-based Jose "Amang" Parica at Santos Sambajon sa pamamagitan ng iba’t ibang tagumpay para makumpleto ang impresibong panimula ng Philippines sa pagbubukas ng $3 million event kung saan 12 Pinoy sa pangunguna nina World Cup champion Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante ang umabante lahat.

Umiskor si Gallego ng dalawang panalo para pumangalawa sa Group 37 gayundin si Sambajon na nagposte ng tatlong panalo para angkinin ang No. 2 sa Group 32, habang nagtala naman ng doble panalo si Lining at ginapi ang Hapones na si Mori Manabu para sa ikatlo at huling puwesto sa Group 19.

Nakaligtas din si Parica sa pagkakatalsik at okupahan ang ikatlong slot sa Group 18 kung saan pinayuko niya si Jeremy Jones.

Hindi tulad ng apat, sina Reyes, Bustamante at anim pang Pinoy ang magaan na nakalusot sa kanilang asignatura sa first round.

Ang iba pang Pinoy na umusad ay sina Dennis Orcollo, Marlon Manalo, Warren Kiamco, Ronnie Alcano, Rodolfo Luat at dating world 9-ball champion Alex Pagulayan.

Ang Round 2 ay binubuo ng 120 players na hinati sa 20 grupo at may tig-anim na players, na ang pangunahing tatlong magtatapos ang aabante naman sa susunod na round.

ALEX PAGULAYAN

ANG ROUND

ANTONIO LINING

BUSTAMANTE

DENNIS ORCOLLO

GRAND SIERRA RESORT AND CASINO

JEREMY JONES

MARLON MANALO

MORI MANABU

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with