Mapua kinumpleto ang F4

Kasabay ng pagkakakumpleto ng Mapua Tech sa Final Four, inangkin naman ng San Beda College ang isa sa top two seats.

Binigo ng Red Lions ang PCU Dolphins, 73-64, habang binalikan naman ng Cardinals ang nagdedepensang Letran Knights, 54-49, sa second round ng 82nd NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang naturang tagumpay ng San Beda ang nagtaas sa kanilang baraha sa 11-1, tampok rito ang kanilang 10-game winning streak, kasunod ang Letran (10-2), PCU (8-4) at Mapua (7-5), tuluyan nang sumibak sa five-time champions San Sebastian (4-8) at UPHD (4-8).

"We feel the pressure itong last three games namin. But we welcome the pressure because it will toughen us eventually," ani mentor Koy Banal sa Mendiola-based cagers, huling nag-kampeon noong 1972.

Kinuha ng Dolphins, tanging tropang tumalo sa Red Lions, 70-66, sa first round, ang first period, 21-12, mula sa tig-5 puntos nina Gabby Espinas at Jason Castro bago nalimita sa 14 produksyon sa fourth quarter kumpara sa 22 ng Mendiola-based team.

Tumipa si Yousif Aljamal ng 14 puntos, 8 rebounds, 2 assists at 1 steal para pamunuan ang San Beda kasunod ang 13 marka ni Nigerian Samuel Ekwe at tig-10 nina Pong Escobal at Micah Evangelista.

Itinala naman ng Mapua ang malaking 44-27 abante sa pagpinid ng third quarter bago nakadikit ang Letran, naputol ang four-game winning run, sa 42-46 mula sa inihulog na 15-2 bomba mula kina Aaron Aban at Boyet Bautista sa huling 3:12 nito.

"We have scouted them well and we know we can play them in the zone," ani mentor Horacio Lim sa kanyang Cardinals, natalo sa Knights sa first round, 71-74. "But for a champion team like Letran, you cannot give them a chance to recover."

Sa likod ng isang 3-pointer at dalawang basket ni Fil-Canadian Kelvin Dela Peña, muling nakalayo ang Mapua sa 53-42 sa huling 1:19 ng laban. (Russell Cadayona)

Show comments